Reproductive Health Law
Sa panahon ngayon, madalas na nakikita sa telebisyon, nababasa sa dyaryo at naririnig sa radio ang iba’t-ibang balita ukol sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa na may kinalaman sa matinding paglobo ng populasyon at kung paano ito maaagapan. Isang malaking suliranin ang tuloy-tuloy na paglobo ng populasyon, kaya naman isinabatas ang RH Law o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012. Ang batas na ito ay may layuning ipapalaganap sa buong bansa ang mga paraan ng kontrasepsiyon, edukasyong seksuwal, pangangalaga sa ina at pagpaplano ng pamilya.
Tungkol dito:
Sa totoo lang, matagal nang isyu ang RH Law. Maririnig natin ang mga kaso tungkol sa abortion at ang pagpipigil ng paglikha ng bata. Lahat ng ito’y nakapaloob sa RH Law. Kahit na sang-ayon ang lahat sa pangangalaga sa ina at anak, kontrobersyal ang ganitong isyu sa pagitan ng politika at simbahan. Kung ganon, parang napakahirap mag desisyon kung sang-ayon nga ba tayo sa RH Law o hindi.
Bakit ito isinabatas?Bakit nga ba nais ipatupad ang RH Law? Isinisisi ba sa paglaki ng populasyon ang paghihirap ng bansa? Kung ‘yan nga ang dahilan, masasabi kong hindi naman ang paglobo ng populasyon ang dahilan ng kahirapan. Ang kahirapan ay dahil sa pangungurakot ng gobyerno, korupsiyon at iba pang pagnanakaw ng politika sa pondo ng bansa. Ang populasyon naman ang nagbibigay pondo sa bayan, kaya’t hindi maaaring maghirap ang bayan dahil sa populasyon nito. Subalit marami pang nais gawin ang RH Law.
Ang aking pananaw:Kung babalikan natin ang layunin ng RH Law, isa sa mga ito ang paggamit ng kontraseptibo. Ang paggamit ng kontraseptibo tulad ng condoms, pills at intrauterine devices ay isang paraan ng birth control o pagpigil sa pagbubuntis. Isang malaking papel ang gingampanan ng relihiyon sa aspektong ito. Sa palagay ko, siguro’y tama nga ang pagkontrol para sa ikabubuti ng pamilya at ng mag-asawa. Pero dapat itong isagawa sa tamang paraan, sa paraang hindi labag sa mata ng diyos, at hindi sa paraang gumagamit ng kemikal at sumisira sa iniaatas ng Panginoon. Higit pa rito, isa pang uri ng family planning ang abortion o ang pagpapalaglag sa bata para sa mga nabuntis nang hindi inaasahan. Nangyayari ‘to madalas tuwing pumapalpak ang mga kontraseptibo tulad ng condom o ng pill. Ang mabubuong bata ay ipapalaglag, at magmimistula muling birhen ang isang dalaga. Subalit ang pagsasagawa nito ay isang malaking kasalanan sa Panginoon. Sapagkat buhay ang nawawala sa tuwing isasagawa ito, buhay ng batang hindi man lang naka dilat para silipin ang mundo. Kung kaya’t and tamang paraan dito ay ang pagiingat at pagpipigil sa sarili. Hindi dapat tayo gumawa ng kababalaghan kung ayaw natin ng responsibilidad na panghahawakan. Sa kabilang dako, may positibo rin namang epekto ang RH Law. Isa na rito ang pagpapasya ng reproductive health at sexuality education para sa mga kabataan. Ayon sa simbahan, magulang daw dapat ang magtuturo ng ganitong klaseng edukasyon para sa mga bata. Subalit madaming Pilipino ang sumang-ayon dito lalo na ang mga guro. Ngunit ang pagtuturo ng ganitong edukasyon para sa mga bata ay makatutulong sakanila para magkaroon ng normal at mabuting pananaw tungkol sa sex. Higit pa doon, magiging masagana at matalino din ang mag-aaral patungkol sa sex, sa mga dapat at hindi dapat gawin at ang kalusugan ng reproductive health ng bawat isa. Magiging solusyon ito sa patuloy na pagkalat ng lumalalang suliranin ukol sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Maraming dako at pagsusuri ang maaaring maging kongklusyon natin, subalit nasa kamay ng mga Pilipino parin ang desisyon at ang kinabukasan ng bansa. Ayon sa mga taga suporta ng RH Law, makatutulong daw ito sa mahihirap dahil mabibigyan sila ng pagkakataon hinggil sa pagplano, pagpili at pagbuhay sa pamilya na abot kaya lamang nila, na kaya nilang arugain at nais nilang palakihin. Ngunit hindi natin maikakailang labag ang batas na ito sa mata ng Diyos. Labag ito sa kagustuhan Niya at sa plano Niya para sa ating mga likha Niya. |
@GorgssssGorgeous. Lol :) |